Bukas Luluhod Ang Mga Tala  
Lunes, Enero 17, 2005
 
Umaga na at nagtatago sa kalawakan ang mga bituin.
Umaga na at itinatago ng maliwanag na kalangitan ang mga bituin
Umaga na at hindi ko makita ang mga bituin dahil maliwanag
Umaga na at tila naglalaro ng hide-and-seek ang mga bituin
Umaga na at...

*sabay lukot ng papel*

Taena. Madilim na. Ginabi na pala ko sa kaiisip ng isang matindihang pa-umpisa. Tila isinabog sa kalawakan ng langit ng gabing iyon ang libo-libong mga tala. Kundi nga lang nakakapagod tumingala e gusto ko silang titigan buong gabi. Nagmumuni-muni ako sa school grounds nun, nang dumating si pareng Tonyo. Nung makita ko sya e gusto kong ibato sa kanya yung papel na nalamukos ko kanina dahil magkamukha sila.

"Sambakol ang mukha natin a." sabi ko. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa damuhan ng iskul. "'Nong nangyari?"

"Wala." Sagot nya. Kadalasan, ang ibig sabihin ng mga ganitong sagot e: "Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Bakit parang kulang pa? Bakit parang balewala ako sa kanya? Matagal ko nang sinabi kung gaano siya kahalaga sa kin. Matagal ko nang pinatunayan. Pero bakit parang lahat ng ginagawa ko e tinatangay ng hangin?"

"Wag mong pag-aksyahan ng panahon ang isang taong hindi marunong magpahalaga sa pagpapagod ng iba." sabi ko. Napatingin sya sa kin. Yung tingin na: Kelly, bilib ako sa yo. Ang galing mo. Paano mo nalaman? Ang cute cute mo talaga. Next time, ililibre kita sa Dyalibi.

"Madaling sabihin." sabi nya sabay tingin sa malayo.

"Tigilan mo nang pagpapaka-martir. Di na uso yun."

Walang sagot.

"Ikaw lang ang nahihirapan sa ginagawa mo. Lahat may hangganan."

Walang sagot.

"Huwag mong aksayahin ang oras. Dahil sa kanya marami kang bagay na napapabayaan. Mga bagay na dapat pagtuunan mo ng pansin. Baka magsisi ka na lang balang araw dahil yung mga bagay na di mo pinansin dati dahil sa kanya e malaki palang kinalaman sa kinabukasan mo."

Walang pa ring sagot.

"Masokista."

Lalong walang sagot.

"Tol." sabi ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang mga namumuong likido sa mata nya. Pagkurap ko e wala na yung likido. Guni-guni ko lang siguro. Nakalimutan kong ang mga katulad ni pareng Tonyo e "hindi umiiyak". Bahala na kayong mag-isip kung bakit may quote-unquote yung "hindi umiiyak".

"Tol." inulit ko. "Isipin mo naman ang sarili mo."

Napayuko sya. Napatingala ako. Napansin kong natabunan na ng manipis na ulap ang kalawakan ng langit. Bahagya ko na lang nakikita ang mga bituin...
 
 
ENTRY: kelly @ 11:34 AM 
 |
--------------------------------------->
 
  May 2004 / June 2004 / August 2004 / September 2004 / October 2004 / November 2004 / January 2005 / June 2009 /  
 
 

abono,  png.,  paluwal, imbulsa ; pataba

imbulsa, png.,  bayaran mula sa sariling bulsa/ipon.

[ ABONO ] Drones, clones, lovers, fighter, ninjas and robots who  loves comics. We do not dream to one day become big in this industry or community rather,  and are here, mostly for the fun and love of it. 
[ ABONO IS NOT. . . ] When this site was first released some misunderstanding comes into view. Some party thought that we want to put all the "Indie" comics creator into one banner.  We just offer those who still do not have a group, and wants to join one.  So all in all, Abono don't have the ultimate goal of putting all indie creators into one group.