ipagdikit-diket, pusong punit-punit...  
Biyernes, Hunyo 19, 2009
 
Sa ngayon patay pa rin ang Abono.  Sinubukan naming magpa-ramdam nun huling Komikon(Summer Fiesta), pero wala. Susubukan ulit namin sa Manila Komikon.  Problema nga lang...aapat na lang ata kami, lahat busy sa trabaho...basta busy at kailangan ng cover para makapag-register sa Indie Valley.  Matangal ko na nasabi ke Jordan na gagawa muna ako ng "dummy cover" pero busy rin talaga ako hehe. 

Mamaya susubukan ko nang gumawa...susubukan.
 
 
ENTRY: ivan @ 9:10 AM 
 |
--------------------------------------->
Bukas Luluhod Ang Mga Tala  
Lunes, Enero 17, 2005
 
Umaga na at nagtatago sa kalawakan ang mga bituin.
Umaga na at itinatago ng maliwanag na kalangitan ang mga bituin
Umaga na at hindi ko makita ang mga bituin dahil maliwanag
Umaga na at tila naglalaro ng hide-and-seek ang mga bituin
Umaga na at...

*sabay lukot ng papel*

Taena. Madilim na. Ginabi na pala ko sa kaiisip ng isang matindihang pa-umpisa. Tila isinabog sa kalawakan ng langit ng gabing iyon ang libo-libong mga tala. Kundi nga lang nakakapagod tumingala e gusto ko silang titigan buong gabi. Nagmumuni-muni ako sa school grounds nun, nang dumating si pareng Tonyo. Nung makita ko sya e gusto kong ibato sa kanya yung papel na nalamukos ko kanina dahil magkamukha sila.

"Sambakol ang mukha natin a." sabi ko. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa damuhan ng iskul. "'Nong nangyari?"

"Wala." Sagot nya. Kadalasan, ang ibig sabihin ng mga ganitong sagot e: "Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Bakit parang kulang pa? Bakit parang balewala ako sa kanya? Matagal ko nang sinabi kung gaano siya kahalaga sa kin. Matagal ko nang pinatunayan. Pero bakit parang lahat ng ginagawa ko e tinatangay ng hangin?"

"Wag mong pag-aksyahan ng panahon ang isang taong hindi marunong magpahalaga sa pagpapagod ng iba." sabi ko. Napatingin sya sa kin. Yung tingin na: Kelly, bilib ako sa yo. Ang galing mo. Paano mo nalaman? Ang cute cute mo talaga. Next time, ililibre kita sa Dyalibi.

"Madaling sabihin." sabi nya sabay tingin sa malayo.

"Tigilan mo nang pagpapaka-martir. Di na uso yun."

Walang sagot.

"Ikaw lang ang nahihirapan sa ginagawa mo. Lahat may hangganan."

Walang sagot.

"Huwag mong aksayahin ang oras. Dahil sa kanya marami kang bagay na napapabayaan. Mga bagay na dapat pagtuunan mo ng pansin. Baka magsisi ka na lang balang araw dahil yung mga bagay na di mo pinansin dati dahil sa kanya e malaki palang kinalaman sa kinabukasan mo."

Walang pa ring sagot.

"Masokista."

Lalong walang sagot.

"Tol." sabi ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang mga namumuong likido sa mata nya. Pagkurap ko e wala na yung likido. Guni-guni ko lang siguro. Nakalimutan kong ang mga katulad ni pareng Tonyo e "hindi umiiyak". Bahala na kayong mag-isip kung bakit may quote-unquote yung "hindi umiiyak".

"Tol." inulit ko. "Isipin mo naman ang sarili mo."

Napayuko sya. Napatingala ako. Napansin kong natabunan na ng manipis na ulap ang kalawakan ng langit. Bahagya ko na lang nakikita ang mga bituin...
 
 
ENTRY: kelly @ 11:34 AM 
 |
--------------------------------------->
Re: "where's the fun in that?"  
Lunes, Nobyembre 01, 2004
 
From Budjette Tan's blog.

Friday, October 22, 2004
by Budjette Tan

"where's the fun in that?"

From the website of ABONO COMICS

Rules are simple. (1) We'll help you, you'll help us, we'll help others, others will help us in return. And we need a lot of help =) (2) No rivalry between members and other group. Peace tayo, slaman lang '_'V (3) wag career-in ang pag-gawa ng komiks, enjoy lang. [don't make a career in making/creating comic books. Just enjoy it] (4) at tandaan na walang pera sa komiks. [and remember, there is no money to be made in comic books]

I don't really know how to feel about this.

I think it's good to always keep in mind that you should have fun in what you do. Gaiman said as much. But i'd also like to believe that you should have goal in what you do. That we need to have a little optimism that our little comic book scene will eventually boom into a full-blown industry. (I'm beginning to sound like an old man.)

Neil Gaiman talks about doing what's fun:

Whenever I do things because I want to do it and because it seems fun or interesting and so on and so forth, it almost always works. And it almost always winds up more than paying for itself. Whenever I do things for the money, not only does it prove a headache and a pain in the neck and come with all sorts of awful things attached, but I normally don't wind up getting the money, either. So, after a while, you do sort of start to learn [to] just forget about the things where people come to you and dangle huge wads of cash in front of you. Go for the one that seems interesting because, even if it all falls apart, you've got something interesting out of it. Whereas, the other way, you normally wind up getting absolutely nothing out of it.
---------------->

Sir Budjette Tan,

Not including a phrase about hoping for the salvation of the comic industry doesn't mean that we're not optimistic about it.
It just happens that the group would like to focus more on the 'have fun!' aspect of doing things. And the goal is already there, it comes in package. While 'having fun' we won't have to think or worry about what others would want to read. In writing or drawing how we want, our material will most likely to turn out the way we want it to be(and that's fun). And that is also 'wag career-in' means, to do things you're your way not as others do it, we are not to sell but we are to be heard with our stories.Surely it will be interesting for others to read, react, and criticize or for the readers to be inspired.
I understand your sentiment sir, believe me Abono is partly inspired by Alamat... and if you'll let us, we're also here to keep the dream alive.

Ivan Ilano
 
 
ENTRY: ivan @ 3:08 AM 
 |
--------------------------------------->
D' Greytest Hithits  
Biyernes, Oktubre 22, 2004
 

sige hithit pa!

Compilation ng tagalog songs ng Razorback, isa sa pinaka astig na album all-time, bukod sa Rivermaya(Trip), Yano(Yano), Pinikpikan(Obra Enkantada) at FrancisM(Freeman).
 
 
ENTRY: Ivan @ 9:56 PM 
 |
--------------------------------------->
mga panibagong kulam...  
Sabado, Setyembre 11, 2004
 
support po natin ang Istrong Repablik, non-manga style silang lahat, malupet... ndi sa ayaw ko sa manga style, bibihara lang kasi ang hindi manga sa atin. Magrerelease na sila this september.

Ngayon lang ako nakatagpo ng indie group na taga Iloilo...Racoon Box Indie, malayo ba sa Manila ang Iloilo? e sa Cavite?
 
 
ENTRY: Ivan @ 10:03 PM 
 |
--------------------------------------->
still online...  
Miyerkules, Agosto 11, 2004
 
The main site's down, the problems with the host, that's why i signed-up for a paid hosting and 'now have until two in the afternoon to decide if i will pay for the hosting service...
is it worth my money, me thinks...

Nothing to do in Tagaytay, I've been browsing alot latety and found a comprehansive links of Pinoy komiks over at Tanikalang Ginto. And at Filipino Comics Portal, thought I think Woofy should include reviews and more opinions about a certain book in the site, rather than just a collection of links and news. Maybe I should tell him this.
 
 
ENTRY: Ivan @ 7:33 AM 
 |
--------------------------------------->
piece it together!  
Miyerkules, Hunyo 30, 2004
 
Hindi p rin gaanong maayos 'tong blog, minadali ko lng kasi. Hindi naman tlga ako nagbabasa ng mga blog, ginawa ko lng 'to para makapagupdate pa rin pag-umakyat n ko ng bundok, bukas na pala yun=(
nun sunday nagkita-kita kami, nun toycon, 'lupit nakita ko ulit ang Drip, medyo dismayado may isang toy na ndi pwedeng bilhin, chobits(chi). naubos ang pera ko kahit parang wala akong ganong nabili. At sa uulitin wag na tayo meet pag may event, para naka-upo tayo sa foodcourt=)
 
 
ENTRY: Ivan @ 6:56 AM 
 |
--------------------------------------->
 
  May 2004 / June 2004 / August 2004 / September 2004 / October 2004 / November 2004 / January 2005 / June 2009 /  
 
 

abono,  png.,  paluwal, imbulsa ; pataba

imbulsa, png.,  bayaran mula sa sariling bulsa/ipon.

[ ABONO ] Drones, clones, lovers, fighter, ninjas and robots who  loves comics. We do not dream to one day become big in this industry or community rather,  and are here, mostly for the fun and love of it. 
[ ABONO IS NOT. . . ] When this site was first released some misunderstanding comes into view. Some party thought that we want to put all the "Indie" comics creator into one banner.  We just offer those who still do not have a group, and wants to join one.  So all in all, Abono don't have the ultimate goal of putting all indie creators into one group.